30.8.07

Baptist Singles August EB



(click for larger view)
Dinagsa ng maraming tao ang nasabing event, at sa pakikipag-ugnayan ng BS EB sa Mega Mall ay na control ang mga tao, habang nagkalat naman ang mga banners at posters ng BS EB sa bawat kisame ng Mega Mall. (lokohan nato!)

Larawan: Ang pagkakagulo ng mga fans ng BS. Kuha ni JM at ever trusted na Photoshop CS

Una sa dumating ang nasabing Ms. B.S. na si JM na gutum na gutum maghapon at proud sa kanyang bagong kula na Rubber Shoes.


Sumunod ang bagong salta na si Kyrsty. (Go! FBC! Early bird tayo!)



Makalipas ang isang oras ay ang pagdating ni Laarni, na minsan nang nakilala ni JM sa Baptist chronicles EB.



Maya maya pang konti ay dumating na si Arnel - - - ang taong naglalasing sa Efficascent Oil!


Biglaan naman ang pagdating ni JP, na hinanap kami sa Greenwhich sa top floor, eh nasa Greenwhich food Court kami!

Nung una nabagaot lamang ang naunang lima, kaya naglakadlakad sila.... at nanuod ng free presentation ng Kulturang pilipino... kung saan makikita ang aparisyon ng mga Kras ng EB Babes... hehehe!

Ang kras ni JM: Codename>>LOLO with Chakra at ang Kras ni Laarni: Codename>>Beautiful Contact Lenses



Pinanood namin saglit ang mga musikero...at naisipang mag photoshoot sandali, habang naghihintay sa mga hahabol...

Eto ang ilan sa mga larawan...


Eastwood, Libis?



Ooopppps...jan muna.... dumating naman si Andrew ng 7pm!!! Grabe, pinoy na pinoy!!! 2:00 pm usapan diba???


And last, but not the least... 8pm dumating...Ang promotor na si Chester Jordan... (diba Pasaway?) ....ka respe-respeto ang kanyang porma... kagulat!




So, nang nakumpleto na ang nag-commit..eh naisipan na namin kumain..sa Paotsin.... uy Paotsin uli!

At dahil late si Chester Jordan, nanlibre sya ng ICE CREAM!!!



KAINAN NA!!!! SUGOD MGA BAPTIST!!!







At syempre, after all the eating has been done... PICTURE TAKING na!!! Konti lang i-post ko dito...okay?



Ang saya diba???? Panu ba yan...sa uulitin!!!!




$0[JM>>> JM AngelSPY signing off...prayer meeting na namin!!!